Wednesday, May 14, 2014

Eto na ba yun?

9pm dapat pasok ko. Minsan last shift na pumapasok (11pm) tapos the next day opening shift (7pm) kasi may kelangan i-roll out o kaya magbantay per interval (every 30mins) ng tawag na papasok anggang magsara ng (8am). Bago ko nga isulat ko, natanong ko, "Ano nga ba talaga shift ko?"

Nag-iisa na lang kasi akong coach samen. Dalawa talaga kami pero nakamahabang leave yung isa. May coach in training naman (CTT or Coach Track Trainee tawag samen) pero syempre dahil CTT pa lang nga, hindi mo pwedeng isipin o asahan na kaya niya mag-isa. Hindi dahil wala kang tiwala pero dahil hindi niya pa yun dapat ginagawa.

Sumabay pa one time yung wala yung manager kaya ang datingan, sagot mo lahat: client, company bosses, senior managers, directors, VP. May tanong sila? Sagutin mo. Di mo alam? Di pwedeng replyan mo na hindi mo alam. Maghanap ka ng sagot. Tumawag ka sa ibang manager, humingi ka ng advice, alamin mo diskarte.

Umiyak sa unang araw. Na-pressure. Pagkatapos? Sinabi sa sarili, "Sige. Kaya ko 'to." Pagkatapos ng ilang araw... kaya ko na. May onting humps, may onting gasgas, pero kaya ko. Alam kong kaya ko. Pero yung angkinin na yung posisyon? Mag apply na maging manager in training? (OMTT tawag samen. Operations Manager Track Trainee) Wait lang. Atras ulit.

Dumalaw ako sa training ng mga bagong ahente kanina. Nakita ko mga dati kong ahente. 2 years ago nung mahawakan ko sila bilang ahente ko. Bago pa sila nun dito. Ngayon? Hindi sila bagong ahente or magtetraining. May mga posisyon na sila. Yung isa Quality Analyst (QA). Pinakauna kong napaakyat. Pangalawa, Sales Verifier/QA Apprentice. Naging OCP mentor din or mentor ng mga bago. Taga-assist sa kanila. Pangatlo? Bagong promote: Learning Specialist Track Trainee. May pang-apat pa nga e. Ginogroom ko maging LS nun, tinulak kong mag-apply mag CTT, ayun, may hawak nang team ngayon.

Bat ko sinabi yun? Kasi mayabang ako. Haha. Hindi, masaya kasi ako. Lagi kong sinasabi, ang mga ahente kong napapaangat ko ang pamantayan ko ng galing ko bilang coach. Kung matulungan ko silang umangat, feeling ko, magaling ako talaga. So pano? Ang galing-galing ko noh. Haha. Tingin mo pwede na kaya yun batayan para mag-apply na talaga ko na OMTT? May opening. Pinapapasa ako ng requirements. Kaya ko na ba? Kaya ko na ba talaga? :|

Ang hirap.

Sabe ng Inang Reyna ko, Senior Operations Manager namin, dapat daw every 2 years umaangat ka. Wag mong hayaang stagnant ka. In fairness, 2 years pa lang nung November nung naging official coach ako. Ano ba? Eto na ba yun? Kaya ko na ba?



posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment