Saturday, May 3, 2014

Hindi mo kelangang manganak para masabing nanay ka.

Nagpapatay ng oras ng biglang gustong sagutin si Facebook sa tanong niyang:

"What's on my mind?"

Andami ko na naranasan sa pagiging coach ko when it comes to family.

Andun yung tinetext ako ng asawa, jowa o kaya magulang para hanapin saken agent ko o kaya magsabi ng dahilan kung bat di makakapasok.

Maging nanay kahit hindi sila galing sa sinapupunan (deep, men!) ko.

Maging kaibigan na sabihan ng problema.

Maging ate na nagagalit pag me kalokohan sa personal life.

Maging tropa na barubal kausap at mas madalas na bastos.

Mamatayan ng manugang (asawa ng agent ko).

Nagdadasal na hindi maranasan kelanman ang mamatayan ng ahente.

Maging ninang pero di pa nakakaattend sa binyag.

Maimbitahan sa kasal.

Maging bridesmaid sa kasal.

Makatulong mapromote yung mga ahente ko at naging Tier 2 (Escalation Team), QA, OCP Mentor, Sales Verifier, LSTT at CTT. Para na rin akong nakapagpatapos ng estudyante with honors! (Kayo mga medalya ko bukod sa posisyon ko!)

Malungkot dahil mabuntis ang "anak" ng hindi pa kasal.

Masaya na napagsabay ang pag-aaral at trabaho.

Mapatino ang mga pasaway na ahente sa absenteeism.

At ngayon.... magiging Lola naman! :") Bukod sa may 2 kong buntis na "anak", may 2 pang dagdag! Kakalokang tunay!

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment