Sunday, May 18, 2014

Praning.

Gulong-gulo.
Kung anu-ano.
Ang liit-liit.

Nitong pwesto ko.
Nitong kalalagyan ko.
Nitong mundo ko sa'yo.

Hindi masyado kabawasan.
Hindi dapat ganun ang epekto.
Pero bakit ramdam ko?

Sino ka?

posted from Bloggeroid

Thursday, May 15, 2014

Sapat lang.

"Wala na agad."
"Parang multo, nagparamdam lang."
"Dumaan lang sa palad mo na parang hangin. Di mo namamalayan."

Usaping pera sa panahon ng sahod. Pag nagtatanungan ng pera o kaya libre, ang sagot: "Wala na kong pera! Grabeeee!" Kasabay niyan ang mga kaibigan na magsasabi ng, "Uy wag mong sabihing wala kasi mawawalan ka talaga. Sabihin mo, sapat lang."

Sabe nila dahil mas malaki sahod ng isang tao, dapat yun daw manlibre. O kaya yun dapat madaming ipon. Lagi kong sagot? "The higher your salary, the higher your wants and your needs." January pa plinanong mag-ipon for next year. Ano ng ganap? Wala pa rin. Nagtravel. Pero walang savings. Walang investment. Di pa nakakaahon.

Ke hirap. Ansarap gumastos. Laging iisipin na, sige babawiin ko na lang. Naku talaga!

Kasabay nun, hindi mo mapigilang magbigay. Ewan. Di ko alam kung sadyang mayabang o likas na mabait. Haha. O marahil andun na talaga. Passion ba. Laging gustong tumulong. Ayoko yung naaawa lang. Wala naman nagagawa ang awa kung wala kang gagawing aksyon dun. Pinipigilan ko sarili ko maawa pag wala ko magagawa para sa kanila. Kasi nga, anong saysay nun? Di ba?

Haaaay. Ipit ipit muna. Mamaluktot. Pigilan ang sarili. Lumayo sa temptasyon. Malay mo, sa panahong kelangan mo, me darating na pera. Me makikita kang nakaipit.

Tiwala lang.
Susunod na tanungin ka kung may pera ka pa..
Ano isasagot mo?
Clue: Bawal sabihing "Wala."

posted from Bloggeroid

Agad-agad?

There are different ways of how people cope up. There's what they called DABDA as an acronym for how people move on after grieving or after somebody died. For me, it applies with other things as well. It mostly applies whenever a change happens. Familiar with it? Here it goes:

D is for Denial.
Whatever happened haven't sink in yet. You haven't absorb it yet. You're still denying the fact that the change did not occur and you continue to live just like before. For you, "No. It did not happen."

A is for Anger.
It affects you in such a way that you're angry with everything and everyone including God. You blame other people. You blame yourself. You blame God. You're angry. You can't accept it or anything even remotely related. You're not happy. Whatever positive thing they say, you're angry. You're going to listen to them but you will make sure that you don't take it seriously and continue to take it against them.

B is for Bargaining.
Why her? Why him? Why not me? Why not others? Why not other bad people? The peg that you love is, "Lord, why have You forsaken me? Sana ako na lang. O kaya iba na lang."

D is for Depression.
Don't want to eat. Don't want to sleep. Don't want to talk. Don't want to live. Laslas pulso peg!

Lastly, A is for Acceptance.
The final step. You have finally moved on.

Note that this does not happen in chronological order. Although acceptance will always be the 5th step, you can always go back to the 1st one as soon as you observe that you haven't really moved on.

My point, exactly? Don't post / tell other people they are your world if only a few months ago, you were crying over someone cheating on you and as to how much you loved them. Coz if your love is as deep as what you've mentioned and posted before, then definitely, having another boy toy cannot easily replace them.

I know all of us do have different ways of moving on... different timing as well. But please, cut the forever thing and you and me against the world drama. Like what some of my single friends say, "WALANG POREBER!"

But then again.... probably that's how you cope up?

posted from Bloggeroid

Wednesday, May 14, 2014

Do not follow the light.

Papasama ko ke Kat para sa cake ng pinsan ko bukas dahil debut niya. Di naman pwedeng basta-basta lang na cake kaya kelangan ko ng kaladkarin girl ko at ang creative mind niya. Ang lagay: magkaiba na kami ng sched. Saklap. Haha. Dahil on training na siya para maging Learning Specialist, pang-umaga siya ngayong linggo para sabay sa mga bagong ahente. E ang tapos ng HOOP (Hours of Operation) namin, 8am. Uwi niya, 3pm. Ano na??

Syempre ako si adjust dahil ako may kelangan. So eto, nag-antay sa kanya. Hindi nakatulog kasi interesting yung training dahil parang naging refresher siya saken. 5 years ago yan yung training ko ah. Imbes na pwedeng umidlip, dilat anggang matapos ang training.

Habang naka-lunch yung mga trainees, may pumasok na naka-black ID. Ibig sabihin, hindi bagong empleyado kasi yellow pag bago e. Sa likas na daldal ko, inusisa ko. Ayun, taga ibang account, nalipat. Ang ganda lang ni ate. Nakakatibong ganda. Ansarap kausapin. Tapos habang kausap namin, nalaman namin na nagka-girlfriend na siya ng dalawang beses. Bisexual. Patay na. Parehas pa kami. Hahaha!

Paglabas, sinabi ko sa mga katrabaho ko na ang ganda niya talaga. Sumang-ayon naman kaming tatlo kasi kahit simple lang siya, maganda. Pag ngumiti... hayahay ang buhay! Hahaha.

Maya-maya tumawag na ko ke Rai. Nag-sorry. Hahaha. Lakas ng tama ko e. Crush na crush lang e. Wala kong nagawa kundi...



Waaaaah! Hindi 'to pwede. More than five years na kong going straight! Hahahahaha!

Seriously, crush lang naman....
Don't follow the light! Lol.

posted from Bloggeroid

Eto na ba yun?

9pm dapat pasok ko. Minsan last shift na pumapasok (11pm) tapos the next day opening shift (7pm) kasi may kelangan i-roll out o kaya magbantay per interval (every 30mins) ng tawag na papasok anggang magsara ng (8am). Bago ko nga isulat ko, natanong ko, "Ano nga ba talaga shift ko?"

Nag-iisa na lang kasi akong coach samen. Dalawa talaga kami pero nakamahabang leave yung isa. May coach in training naman (CTT or Coach Track Trainee tawag samen) pero syempre dahil CTT pa lang nga, hindi mo pwedeng isipin o asahan na kaya niya mag-isa. Hindi dahil wala kang tiwala pero dahil hindi niya pa yun dapat ginagawa.

Sumabay pa one time yung wala yung manager kaya ang datingan, sagot mo lahat: client, company bosses, senior managers, directors, VP. May tanong sila? Sagutin mo. Di mo alam? Di pwedeng replyan mo na hindi mo alam. Maghanap ka ng sagot. Tumawag ka sa ibang manager, humingi ka ng advice, alamin mo diskarte.

Umiyak sa unang araw. Na-pressure. Pagkatapos? Sinabi sa sarili, "Sige. Kaya ko 'to." Pagkatapos ng ilang araw... kaya ko na. May onting humps, may onting gasgas, pero kaya ko. Alam kong kaya ko. Pero yung angkinin na yung posisyon? Mag apply na maging manager in training? (OMTT tawag samen. Operations Manager Track Trainee) Wait lang. Atras ulit.

Dumalaw ako sa training ng mga bagong ahente kanina. Nakita ko mga dati kong ahente. 2 years ago nung mahawakan ko sila bilang ahente ko. Bago pa sila nun dito. Ngayon? Hindi sila bagong ahente or magtetraining. May mga posisyon na sila. Yung isa Quality Analyst (QA). Pinakauna kong napaakyat. Pangalawa, Sales Verifier/QA Apprentice. Naging OCP mentor din or mentor ng mga bago. Taga-assist sa kanila. Pangatlo? Bagong promote: Learning Specialist Track Trainee. May pang-apat pa nga e. Ginogroom ko maging LS nun, tinulak kong mag-apply mag CTT, ayun, may hawak nang team ngayon.

Bat ko sinabi yun? Kasi mayabang ako. Haha. Hindi, masaya kasi ako. Lagi kong sinasabi, ang mga ahente kong napapaangat ko ang pamantayan ko ng galing ko bilang coach. Kung matulungan ko silang umangat, feeling ko, magaling ako talaga. So pano? Ang galing-galing ko noh. Haha. Tingin mo pwede na kaya yun batayan para mag-apply na talaga ko na OMTT? May opening. Pinapapasa ako ng requirements. Kaya ko na ba? Kaya ko na ba talaga? :|

Ang hirap.

Sabe ng Inang Reyna ko, Senior Operations Manager namin, dapat daw every 2 years umaangat ka. Wag mong hayaang stagnant ka. In fairness, 2 years pa lang nung November nung naging official coach ako. Ano ba? Eto na ba yun? Kaya ko na ba?



posted from Bloggeroid

Sunday, May 11, 2014

What makes you?

What makes you calm?
Him: when I talk to you, your hug
Her: when I voice out what I feel through whatever channel, your presence

What's gross to you?
Him: that picture you've sent

Her: aside from the usual gross stuff, probably third parties

What makes you angry?
Him: your petix
Her: third parties, minamadali ako ng di ko naman kasalanan (more on inis lang. Haha)

What makes you smile?
Him: seeing you smile
Her: your hugs, kisses on my forehead, your naughtiness. Hahaha

posted from Bloggeroid

Like a girl.

When you wear your hair long.
Or curl it. Or put on a headband.

When you want you have this cute bag.
Or want a boy to carry it for you.

When you want your bf to go to your office.
Or try to make him wait a lil longer.

When you want to show off your guy.
Or hide him from anyone else to keep him for yourself.

But I'm not a girl.. not anymore.
I'm a woman. And should be acting like one.

posted from Bloggeroid