Sunday, June 29, 2014

Flutter of..



Bumili ng milk tea sa Gongcha.
Habang naglalakad, nakaramdam ng gutom.
Napagdesisyunang kumain sa Jollibee.
Nag-order ng may inumin.
Naisipang tanggihan ang kasamang softdrinks.
Pero wala pang sampu ang matitipid.
Hinayaan na lang kahit may inumin pang milk tea.

Habang naglalakad sa tulay, nakakita ng tindahan.
Bumili ng 2 pirasong tinapay.
Ibibigay kasama ang softdrinks sa nadaang mag-ama.
Napansing natutulog at nahiya.
Iniwan na lang ang isang tinapay at nagmadaling naglakad.
Nahihiyang baka magising at makaistorbo.
Umasang may makikitang iba pagbaba ng tulay.
Wala.
Sumakay ng pampasaherong bus.

Huminto ang bus malapit sa Ayala.
May gustong sumakay na tindero.
Matanda na.
Pagod.
May dalang isang balde ng mani.
Hindi pinapasok.
May isa pang tindero na sumubok.
May dalang inumin at fish cracker.
Binuksan ang pintuan.
Tinawag ng tindero ang nagtitinda ng mani.
Pwede na rin siya pumasok kasama ng nagtitinda ng inumin.
Nagdamdam ata.
Hindi na sumunod.

Bumaba ng bus.
Hinanda ang inumin at tinapay.
Tumitingin ng mapagbibigyan.
May nakitang bata ngunit malayo.
Sa isang kanto, may nakita ulit.
Mga batang basurero.
Natakot at baka dumugin.
Pang-isang taong meryenda lang ang mabibigay.
Umasa.
Nabigo.
Umuwing inabot na lang ang inumin.
Tinago ang tinapay.
Umaasang may mapagbibigyan sa susunod.
O panawid gutom pag nangangailangan.




Makita mong may mga taong mababait pa rin.
Malaman mong may taong may nais pa ring makatulong.
Gusto mong kumilos din.
Gusto mong tumulong din.

You did not just do good.
You inspired, people, too.

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment